Pages

Wednesday, March 3, 2010

"Doctor, ayoko ng resulta nito nagmukha akong Filipina!"

Nanlaki talaga ang mga mata namin sa racist remark ng isang pasyente. Lahat kami kumulo ang dugo at kung pwede nga lang sabunutan namin siyang lahat ay nagawa na namin. Pero siyempre bukod sa dapat propesyonal ay nasa bansa pa kami na isang maling kibot mo maaaring buhay ang katapat. Sabi nga ng isang nandoon, ang sarap nya sabihan ng:

"P***** *** mo! Kaya ka nga nandito't nagpapaayos ng mukha dahil ang pangit mo! Puro kulubot na nga 'yang balat mo."

At dahil di rin naman kami mahilig magmura, walang kahit sinong umimik. Tanging malamig na pakikitungo na lamang ang naging ganti matapos ang isang di-kanais-nais na tagpo.

Truth is, nakakainis isipin na may mga lahing napakataas ang tingin sa mga sarili. Kung bakit ba kasi nauso diskriminasyon sa pagitan ng itim at puti, sa muslim at kristiyano, sa may asul na mata at sa itim na mata, sa kulot at sa tuwid o maging sa kumakain ng tinapay at kumakain ng kanin?

0 Comments:

Post a Comment