Pages

Monday, September 21, 2009

Show me how you do that trick 

The one that makes me scream he said 
The one that makes me laugh he said 
And threw his arms around my neck 
Show me how you do it 
And I promise you I promise that 
I'll run away with you 
I'll run away with you



Nagising ako sa mahinang kanta ni Indi. Akala ko alarm 'yun para sa pag-inom ko ng gamot, si madir pala tumatawag.




madir: kumusta na?..


ako: hindi ok ma..


madir: bakit napano ka?


ako: mama magwa-1 week na akong may GERD napakasakit. ang hirap hirap..di ako makakain ng maayos, mahirap huminga, konting galaw masakit, pag nakahiga mas masakit kaya mukha akong adik kulang sa tulog. mama ko ang sakit sakit talaga huwaaaaaaaaaa...sinugod nga ako sa ER noong sabado kasi naiyak na talaga ako sa sobrang sakit. pero slight lang yung iyak ko mama ha kasi nakakahiya e wa poise..at chaka iiyak na nga lang ako may nakakakadagdag pa ng sakit kaya wag na lang umiyak diba? pero promise mama super mega over sakit. :((



Actually hindi ko nasabi yan, eto talaga ang nangyari:





madir: kumusta na?..


ako: ok lang ako ma..


madir: bakasyon nyo na?


ako: opo


madir: bakit ang hina ng boses mo nak, lakasan mo naman konti?


ako: tulog pa po si Ezzie e (palusot)


madir: Ok...eto si papa kakausapin ka raw..


padir: anak miss na kita bakit di ka nagreply nagtext ako sayo nung friday.


ako: i miss you too pa, eh wala naman po akong nareceive e.


padir: ay nagtxt ako.


ako: wala po talaga.


padir: bakit matamlay ka?


ako: wala naman po.


padir: may boyfriend ka na ba diyan?


ako: wala po no. (hindi nila alam na may boyfriend ako at sa chat ko lang nakilala ni hindi pa 
nakikita, di nila maiintindhan yun, pano ko ipapaliwanag, kaya wala na lang..)


padir: ah kaya ka siguro matamlay hahaha..


ako: hahahaha pasaway ka pa!


Pinigil ko ang sarili kong tumawag sa Pinas nitong mga nakaraang araw.

Magaling si madir, sa boses ko pa lang alam niya kung may problema.
Ayokong mag-alala sila, ayokong tumaas ang blood pressure niya pag nalamang hindi ako ok.
Ngayon ko napatunayan na mahirap pala talaga magkasakit nang malayo sa pamilya.

Hindi naman talaga ako iyakin, at hindi rin emo pero tinamaan ako!
Nagana pa pala ang lacrimal glands ko na akala ko naglaho na.
Napaiyak ako noong nakaraang sabado.
Naiyak ako sa pisikal na sakit dulot ng GERD na ito,
ngunit mas nakakaiyak ang sakit na dulot ng pagkalayo sa pamilya ko.
Oo naawa ako sa sarili ko.
Gustuhin ko mang yakapin si madir maibsan man lang ang sakit pero papaano?
Gusto kong hilutin ni padir. Para kasi siyang may magic, kapag may lagnat ako noon, gumagaling agad ako kapag nahilot nya.
Kung dadaing ako paniguradong magpapanic sila. Ayoko. Tama ng ako lang ang nakakaalam.
Kaya fake a smile mj, fake a smile...or make it fake a laugh.





Pero natutuwa naman ako dahil sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ko ngayon ay may nagpapasaya sa akin sa katauhan ni curacho. Sa kanya hindi ko kailangan ang "fake a smile". Patok sa akin mga patawa niya kahit pa simpleng smug smiley lang. Alam kaya niya na higit pa sa patawanin ako ang nagagawa niya sa buhay ko ngayon? Dahil kay curacho narealize ko na paramdam ito ni Big Bro. Tama siya. Medyo hindi na nga ako nakikipagkwentuhan ng masinsinan sa Kanya. Madalas tila "Hi, Hello, Bye" sabay tulog na lang ang ginagawa ko. Napabayaan ko na rin ang rosary na madalas kong hawak habang natutulog kahit pa hindi naman talaga ako nagrorosary.  Alam ko nalaglag iyon sa kama pero dahil antok na, di ko man lang pinulot. At 3 weeks ago nang dalawin ko Siya ay hihikab-hikab ako at bahagya pang naiidlip. Nakakahiya ako. Big Bro..I'm so sorry..bati na tayo..


Big Bro babawi ako. At sayo rin Curacho babawi ako..paulanan kita ng shokoleyts pero in moderation lang ang pagkain mo ha..alam mo na masama rin yun diba?

0 Comments:

Post a Comment