Pages

Friday, September 11, 2009

THE CALL

Malapit na pala akong magbirthday. Aba! Naalala mo na pala. Ikaw pa nagpaalala sa akin, nakakatuwa naman. O mas angkop bang sabihing nakakatawa naman?

Magdadalawang taon na ang lumipas nang tila ba balewala sayo ang birthday ko. How pathetic I was two years ago. I was waiting  for you till midnight hoping you'll make it possible to see me right before the date change. Ngunit pinalipas mo ang araw na iyon nang di man lang gumawa ng paraan na magkita tayo. Ang sakit pero pinilit ko na lang paniwalain ang sarili ko na busy ka sa bago mong trabaho. O mas angkop bang sabihing busy ka pala sa bago mong  gusto?

Mag-iisang taon na ang lumipas nang tila ba balewala sayo ang birthday ko. How pathetic I was one year ago. Oo, nagtext ka pero hindi 'yun ang gusto ko. I was waiting for your call and say that magic words yet it didn't happen. Ang sakit pero pinilit ko ulit paniwalain ang sarili ko na baka wala ka ng load. O mas angkop bang sabihing, Sh*t! Itigil ko na nga tong kahibangan na to!

After 3 years in a relationship, I finally decided to stop my martyrdom over you. I deserve someone who will love and value me the way I should be. I deserve someone who will think of me every minute and every second of his existence. I deserve someone who knows how to make me happy on my most special day. I deserve more than you.
 
Tahimik na ang mundo ko malayo sayo. Pinipilit kong maging normal ulit ang buhay ko na wala ka. Pinipilit tanggapin na may mga bagay sa mundo na kahit gaano mo pa kagusto ay hindi mapapasayo. Pinipilit alisin ang nararamdaman, heto nga ako sa buhanginan baka sakaling makalimutan ka man lang.

What in the world is your problem? Tatawag-tawag ka ngayon at ipapaalala na magbibirthday na pala ako? At ano tong hihintayin mo ako at kung wala akong boyfriend ay magpapaengage na tayo? Na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin mo. I was like, am I on candid camera? O Wow mali kaya?  Baliw ka pala e. Nakakainis, gusto kitang suntukin hanggang makatulog ka at puro pasa yang mukha mo.

Mas nakakainis pa hindi ikaw, kundi ang sarili ko mismo. After all those years, narealize ko hindi pa pala ako nakakalayo sa anino mo, hindi pa pala ako nakakamove-on, na kinakabahan pa rin ako sa tuwing magtitext ka, nanlalamig sa tuwing naririnig ang boses mo. Naaawa ako sa sarili ko. I was still as pathetic as I was 2 years ago. :(


0 Comments:

Post a Comment