Pages

Monday, September 28, 2009







Strawberry Cake. Courtesy of my house mates. Ako ang taong hindi mahilig sa surprises kaya siguro hindi na nila ako sinurprise at weeks before my birthday alam ko ng bibilhan nila ako ng cake. Sana nga raw para maiba naman hindi sila nabili para mas nasurprise ako. Pasaway!





Small Coffee Cake. Courtesy of Ligaya and Madzuper. Yum-yum-yum to the millionth power. Nakakatuwa naman kasi alam nilang mag-asawa na mahilig ako sa coffee-flavored foods. Ako nga si iced coffee diba? Sinadyang maliit kasi bawal sa health..What the heck! walang bawal-bawal..masarap eh! Hmmm the aroma..

Stuffed Toy with Toblerone. Courtesy of Temerz. Alam kaya niyang hindi ako mahilig sa stuffed toys at bawal na sa akin ng shokoleyrts?.. Hahaha malamang hindi. Anyways thank you pa rin te merz..i appreciate it a lot..mmwah!..



Shelley's Balloon flowers. Courtesy of Shelley's imagination!..Nagpalono kami ni Ezzie ng balloons 2 days ago. Pagtripan ba naman ni Shelley? Akala ko flower nga. Huwag ko na lang daw baliktarin baka kasi green minded ako. E binaliktad ko?

So many testicles. What the heck! So many testicles! Ano yan mutant? nakakatakot!..Pasaway ang babaitang yun!. Jusko po 'yung kulay white??? Parang ikamamatay mo. Crazy. hahaha! Dumihan ba naman ang utak kong blanko.




(Picture to follow, di ko maaala kung kaninong cam napunta yung pic)


Simple Math. Pare-pareho kaming lumaki ang mata at napalunok ng makita kung gaano karami ang nabili ni mama shai. Take note 11 lang kami sa bahay at kung isasama sa bilang ang mga leave-out magiging 15 + si Madzuper and Temerz magiging 17 minus Pan kasi kahit pang sabihing "halika ate, join us ay di talaga sasama" (ok so what?), minus Tidiber dahil dakilang sunud-sunuran  kay Pan so equals 15. 15 lang kami pero ang binili ng butihin kong nanay-nanayan ay good for 30-40 persons. Sayang kung di mauubos. Its so crazy I had to call anyone on my phone book so they could drop by our flat just to help us with the food. Bawal naman kasi lalaki rito kaya di ko na rin ininvite ang tito ko pero kailangan kaya tinawagan ko na, si kuya nappy, at si kapzkilz. Yikes! Kung sana lang pwedeng ipamahagi sa kahit dalawang pamilya lang na nasalanta ni Ondoy, I will go through the trouble just to be of help :( 


Sweet Revenge. Courtesy of Pan and teBD. Is the golden rule "Do unto others what you want others to do unto you" applicable here? Well, I might have been very bad with them on their birthday because I didn't even bother to greet them. Actually hindi lang naman ako ang hindi bumati sa kanila, marami kami. Eh sa hindi namin feel na batiin sila e?.. Ayaw namin ang attitude nila, ayoko sa kanila. Pan have done something that will make you wonder. May ganoon palang kalseng tao sa mundo? Ayokong pilitin ang sarili ko na magpakaplastic for the sake of their birthday. Nagkataon lang na ako ang unang sumunod na magbirthday kaya ako ang nabuntunan. So, I guess I had the taste of my own medicine. The difference is this one is a lot bitter. Grabe si Pan and teBD! Alam na ngang nagprepare ako ng dinner for all, niyaya ba naman ang dalawang bago na mag-Tasaj! Siyemre sunod naman sila bago kasi senior nila si Pan sa OR. What the F*ck! Nananadya talaga. Ooo-oo pa si TeBD na magdropby sa flat. Deym! Anyways, masaya naman kami kahit wala sila.



Solved. Ayan taob na. solve na solve sila. ehehehe..naipatake-out na yung iba sayang kasi and naligpit na rin sa fridge yung mga naiwan, baka mapanis lang. Nood sila ng The Grudge sa MBC sus mga takot naman lalakas magsipagtilian.


Special thanks. Curacho di ko sadyang andito ka na naman sa post ko na to. Ooopps! Nagkataon lang talaga ok? 12:03am September 27, just when I thought you would not remember dahil nga alzheimer's ka (nyahaha) however you were the first person to greet me after midnight. Thank you so much from the bottom of my heart na katabi ang esophagus na di na masakit.


Sentiment of a Spender. Dalawang midnight ang pinalampas pero nabili pa rin. Spender nga! Bakit ba laging di ko nakukuha ang gusto kong romantic or kahit na on-time na lang na greetings? Three consecutive years na ha? OA na to..Pero dahil nga spender ako, hayun bumenta. nabili. Daig pa ang sale sa City Plaza.


Solemn wish. Solemn, silent, secret. Akin na lang yung wish ko. Gosh 25 na ko tumatanda na...haaaay...Live, laugh, love. Bawal ang emo! Be happy mj, be happy.

Saturday, September 26, 2009




I will be twenty-five tomorrow
Embrace me tightly my folks 
Virtue, moral, and dignity
From you they are my legacy





I will be twenty-five tomorrow
I'm gonna wait for my negro
Love, trust, and hope
Can we just go elope





I will be twenty-five tomorrow
Knock till you can't you loco
Lost, faded, vanished
That is you





I will be twenty-five tomorrow
Continue the guidance Dear Father
Life, life, life
Gratitude I offer, I owe it all to you





I will be twenty-five tomorrow
I'm gonna celebrate it with you
Laugh, dance and sing
Who cares if we will be merry-making





I will be twenty-five.
live.
laugh.
love.
as if there is no tomorrow.


Thursday, September 24, 2009






Masarap ang bawal.
Ngunit kung ikaw na ay hahatulan,
wag kang mag-inarte d'yan!
Problema mo ba?
Nasarapan ka naman di ba?











When the cat is away, the mouse werewolf will play.
At kapag nahuli, magpacute na lang at sabihing;
"Andiyan ka na pala, ang tagal mo kasi baby"





Huwag ka maghanap ng ikasasama ng loob sabi ni tatay.
May mga teknolohiyang ginawa para gumaan ang buhay.
Hindi para pagsimulan ng away.
Huwag mo na ring ibahagi sa kasambahay.
Dahil kapag sila nag-away, pati ikaw damay.








Kapag sinabi niya sayo na; "Ayoko niyan baby",
Huwag mawalan ng pag-asa, may bukas pa.
Kulitin mo na lang siya bukra, 'yun e kung may bukas pa talaga.




Ang father ng Socratic method eh si Socrates.
Sa Platonic love naman si Plato.
Eh sa Hippocracy? Si Hippocrates ba?











Hindi lahat ng tao maiintindihan ka,
Ok lang 'yun, sila naiintindihan mo ba?








Kung di siya naglilinis ng bahay,
Hayaan mo na lang, 'wag na itaas ang kilay.
Kapag nagkaroon ng ipis at daga, siya naman unang mamamaga.














Kung magbabasa ka at tutulugan lang,
huwag sa sala,
Baka lumabas si Bitoy at sabihing: "YaRica!"










Kapag sinabing matulog ka na, matulog ka na.
Tama na ang pag-aadik, may bukas pa! 






***photo credits here***




Monday, September 21, 2009

Show me how you do that trick 

The one that makes me scream he said 
The one that makes me laugh he said 
And threw his arms around my neck 
Show me how you do it 
And I promise you I promise that 
I'll run away with you 
I'll run away with you



Nagising ako sa mahinang kanta ni Indi. Akala ko alarm 'yun para sa pag-inom ko ng gamot, si madir pala tumatawag.




madir: kumusta na?..


ako: hindi ok ma..


madir: bakit napano ka?


ako: mama magwa-1 week na akong may GERD napakasakit. ang hirap hirap..di ako makakain ng maayos, mahirap huminga, konting galaw masakit, pag nakahiga mas masakit kaya mukha akong adik kulang sa tulog. mama ko ang sakit sakit talaga huwaaaaaaaaaa...sinugod nga ako sa ER noong sabado kasi naiyak na talaga ako sa sobrang sakit. pero slight lang yung iyak ko mama ha kasi nakakahiya e wa poise..at chaka iiyak na nga lang ako may nakakakadagdag pa ng sakit kaya wag na lang umiyak diba? pero promise mama super mega over sakit. :((



Actually hindi ko nasabi yan, eto talaga ang nangyari:





madir: kumusta na?..


ako: ok lang ako ma..


madir: bakasyon nyo na?


ako: opo


madir: bakit ang hina ng boses mo nak, lakasan mo naman konti?


ako: tulog pa po si Ezzie e (palusot)


madir: Ok...eto si papa kakausapin ka raw..


padir: anak miss na kita bakit di ka nagreply nagtext ako sayo nung friday.


ako: i miss you too pa, eh wala naman po akong nareceive e.


padir: ay nagtxt ako.


ako: wala po talaga.


padir: bakit matamlay ka?


ako: wala naman po.


padir: may boyfriend ka na ba diyan?


ako: wala po no. (hindi nila alam na may boyfriend ako at sa chat ko lang nakilala ni hindi pa 
nakikita, di nila maiintindhan yun, pano ko ipapaliwanag, kaya wala na lang..)


padir: ah kaya ka siguro matamlay hahaha..


ako: hahahaha pasaway ka pa!


Pinigil ko ang sarili kong tumawag sa Pinas nitong mga nakaraang araw.

Magaling si madir, sa boses ko pa lang alam niya kung may problema.
Ayokong mag-alala sila, ayokong tumaas ang blood pressure niya pag nalamang hindi ako ok.
Ngayon ko napatunayan na mahirap pala talaga magkasakit nang malayo sa pamilya.

Hindi naman talaga ako iyakin, at hindi rin emo pero tinamaan ako!
Nagana pa pala ang lacrimal glands ko na akala ko naglaho na.
Napaiyak ako noong nakaraang sabado.
Naiyak ako sa pisikal na sakit dulot ng GERD na ito,
ngunit mas nakakaiyak ang sakit na dulot ng pagkalayo sa pamilya ko.
Oo naawa ako sa sarili ko.
Gustuhin ko mang yakapin si madir maibsan man lang ang sakit pero papaano?
Gusto kong hilutin ni padir. Para kasi siyang may magic, kapag may lagnat ako noon, gumagaling agad ako kapag nahilot nya.
Kung dadaing ako paniguradong magpapanic sila. Ayoko. Tama ng ako lang ang nakakaalam.
Kaya fake a smile mj, fake a smile...or make it fake a laugh.





Pero natutuwa naman ako dahil sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ko ngayon ay may nagpapasaya sa akin sa katauhan ni curacho. Sa kanya hindi ko kailangan ang "fake a smile". Patok sa akin mga patawa niya kahit pa simpleng smug smiley lang. Alam kaya niya na higit pa sa patawanin ako ang nagagawa niya sa buhay ko ngayon? Dahil kay curacho narealize ko na paramdam ito ni Big Bro. Tama siya. Medyo hindi na nga ako nakikipagkwentuhan ng masinsinan sa Kanya. Madalas tila "Hi, Hello, Bye" sabay tulog na lang ang ginagawa ko. Napabayaan ko na rin ang rosary na madalas kong hawak habang natutulog kahit pa hindi naman talaga ako nagrorosary.  Alam ko nalaglag iyon sa kama pero dahil antok na, di ko man lang pinulot. At 3 weeks ago nang dalawin ko Siya ay hihikab-hikab ako at bahagya pang naiidlip. Nakakahiya ako. Big Bro..I'm so sorry..bati na tayo..


Big Bro babawi ako. At sayo rin Curacho babawi ako..paulanan kita ng shokoleyts pero in moderation lang ang pagkain mo ha..alam mo na masama rin yun diba?

Friday, September 18, 2009

Fate has its little way to annoy you at times, right Saudi Telecom? I was about to cry in dismay because I can't log in my yahoo messenger. And when I looked at the modem, poof! no internet connection. For some reasons I don't know what, our internet connection vanishes on thursday nights. Napaka-kj hmmf!

Nevertheless, it really pays to be patient. Over twenty attempts to reconnect on the information super highway and viola! The long wait had finally culminated. Both my best friend Detty and I have been longing for this thursday night to arrive so we could chat and catch up for the veryyyyyy longgggg separation.

Many years have passed and a lot had changed physically, emotionally, intellectually (at kung anu-ano pang lly hehehe) yet the bond of a true friendship is still there...alive and warm. She can still remember how we savoured that corned beef from KSA each time she visited our house now we realized that a Philippine-made Argentina is way better. I never knew she still have in possession every single letter I gave her way back our elementary years. Even the simplest stationeries that we used to collect are still intact in her pack rat. I do have some memoirs kept too. If only I have with me the pictures we have been taking during those days I would have shown it all. One thing is certain, we would guffaw to see how we used to look before. She was the skinny girl while I was the not so skinny-short one and now she gained a bit while I'm still the short-one! (haha).
We might have found new friends and acquaintance yet in our hearts still remains that we are BFFs
I am so happy I finally talked to her after 12 long years. The years we missed were  turned into a three hour chat. Somehow we managed to catch up about what have had happened in our lives. We had the same College Alma Mater, took the same course but unfortunately she didn't finish yet. She now has a charming and bright 6 year old child. Woooww...I wish I also have one. But naaaaahh how could I? If I would have been killed by my Hitler father if I had given birth at an early age.




She is now in Dubai for a duration similar to me. She arrived there on Feb 5, 2008 while I arrived here on the 7th. And that means we will be going home almost at the same time. God! I'm so excited!
















Thursday, September 17, 2009

Nakakainis ka! Hindi mo ako pinatulog ng maayos. Ang aga-aga ko nagising dahil sayo. Ang hirap ha?..Ang sakit-sakit kaya, hindi nga ako makahinga dahil parang may nakadagan sa dibdib ko. Pagulong-gulong lang ako sa higaan ko. Naiiyak na ako kasi kailangan ko ng tulog pero di ako makatulog dahil sayo. Parang awa mo na tigilan mo na akong heartburn ka!


On the other hand, my heart is burning and my conscience is bogging. Paano ba linisin ang maduming konsensya? Sabi ni Shelley i-safeguard ko raw. May pagkacorny pero patok pa rin sa akin yun kaya sabi ko wahahahaha . Sorry Mr.Tarwy  My God I'm so bad..please forgive me for I have sinned. 

Monday, September 14, 2009



Friendship indeed surpasses the test of time. It never die nor fade away. You may part ways yet time will also bring you back together.

Yesterday, I dreamed of my best friend way back in elementary years. She just came from a vacation and was very happy and excited to hug and tell me that she missed me.

The last time we saw each other was when I visited my cousins in Valenzuela sometime in 1997 . We were riding in a jeepney when somebody was running after us. It was her. (O diba parang eksena sa Meteor garden, hinahabol ni Dao si San Chai).

We were classmates in my four elementary years in Caruhatan. I was then a transferee, a bit timid and shy for I don't know anyone. Not until someone approached and talked to me. We clicked and tagged ourselves as "Campus Girls" together with 2 other girl friends. Campus Girls was a hit movie back then, I was Vina and she was Donna. We were carefree little ladies. I used to stay at their home after class, of which my father didn't know until now. If he had known then he wouldn't have allowed me. He is such a Hitler. If we're not in the mood of doing homework, we would just kill the time by watching home tv shopping, eating lucky me pancit canton which I had no idea how it's being cooked (simple lang pala) and take pictures with my good old film-packed camera (Hindi pa uso ang digicam noon kaya laging sumasakit ulo ng papa ko sa pagpapadevelop ng pictures namin hehehe). Those were the days when we knew nothing but fun. I so miss it. I so miss her.

The dream was so vivid and I felt the emotion too much that I immediately looked for her on facebook as soon as I woke up. I typed her full name and I was overwhelmed to see her! God! I missed this girl so much. She said she was looking for me as well from the very day she made her facebook account. We exchanged messages  already and is hoping to finally catch each other online on yahoo messenger. It will be a lengthy catching up. Imagine? We were apart for more than a decade. I'm so excited to talk to her. Thank you facebook, I owe you a lot.

 "Sometimes in life, you find a special friend. Someone who changes your life just by being a part of it. Someone who makes you laugh until you can't stop. Someone who makes you believe that there really is good in the world. Someone who convinces you that there really is an unlocked door just waiting for you to open it. This is forever friendship. When you're down and the world seems dark and empty, your forever friend lifts you up in spirit and makes that dark and empty world suddenly seem bright and full. Your forever friend gets you through the hard times, the sad times and the confused times. If you turn and walk away, your forever friend follows. If you lose your way, your forever friend guides you and cheers you on. Your forever friend holds your hand and tells you that everything is going to be okay. And if you find such a friend, you feel happy and complete because you need not worry. You have a forever friend, and forever has no end." 
---Unknown

Friday, September 11, 2009

THE CALL

Malapit na pala akong magbirthday. Aba! Naalala mo na pala. Ikaw pa nagpaalala sa akin, nakakatuwa naman. O mas angkop bang sabihing nakakatawa naman?

Magdadalawang taon na ang lumipas nang tila ba balewala sayo ang birthday ko. How pathetic I was two years ago. I was waiting  for you till midnight hoping you'll make it possible to see me right before the date change. Ngunit pinalipas mo ang araw na iyon nang di man lang gumawa ng paraan na magkita tayo. Ang sakit pero pinilit ko na lang paniwalain ang sarili ko na busy ka sa bago mong trabaho. O mas angkop bang sabihing busy ka pala sa bago mong  gusto?

Mag-iisang taon na ang lumipas nang tila ba balewala sayo ang birthday ko. How pathetic I was one year ago. Oo, nagtext ka pero hindi 'yun ang gusto ko. I was waiting for your call and say that magic words yet it didn't happen. Ang sakit pero pinilit ko ulit paniwalain ang sarili ko na baka wala ka ng load. O mas angkop bang sabihing, Sh*t! Itigil ko na nga tong kahibangan na to!

After 3 years in a relationship, I finally decided to stop my martyrdom over you. I deserve someone who will love and value me the way I should be. I deserve someone who will think of me every minute and every second of his existence. I deserve someone who knows how to make me happy on my most special day. I deserve more than you.
 
Tahimik na ang mundo ko malayo sayo. Pinipilit kong maging normal ulit ang buhay ko na wala ka. Pinipilit tanggapin na may mga bagay sa mundo na kahit gaano mo pa kagusto ay hindi mapapasayo. Pinipilit alisin ang nararamdaman, heto nga ako sa buhanginan baka sakaling makalimutan ka man lang.

What in the world is your problem? Tatawag-tawag ka ngayon at ipapaalala na magbibirthday na pala ako? At ano tong hihintayin mo ako at kung wala akong boyfriend ay magpapaengage na tayo? Na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin mo. I was like, am I on candid camera? O Wow mali kaya?  Baliw ka pala e. Nakakainis, gusto kitang suntukin hanggang makatulog ka at puro pasa yang mukha mo.

Mas nakakainis pa hindi ikaw, kundi ang sarili ko mismo. After all those years, narealize ko hindi pa pala ako nakakalayo sa anino mo, hindi pa pala ako nakakamove-on, na kinakabahan pa rin ako sa tuwing magtitext ka, nanlalamig sa tuwing naririnig ang boses mo. Naaawa ako sa sarili ko. I was still as pathetic as I was 2 years ago. :(


Saturday, September 5, 2009

I never thought I could hate someone like this. More than the hatred that I had felt when my ex-boyfriend left me for an older lady almost two years ago.  A hatred to the extent of not greeting her a happy birthday a couple of days ago. A hatred that made me laugh when I saw a friendster account on her name with vulgar and naked pictures. A hatred that I am not certain when to end (or is it gonna end?)

I laughed. Yes, I do admit it I have my dark side sometimes. I laughed not because I was happy to see her being  humiliated in the cyber world. I laughed because the pictures were obviously edited and it wasn't professionally done. Her face was just inserted on someone else's body. The edges were rough, the skin tone is not even and it looked  like a cheap tabloid. Someone who did it definitely hate her more than I do. He/she even posted a shout out saying "I am the biggest whore in KSA, call me at 05********". So that was the reason why she suddenly changed her number. I thought it was because she wanted to stay away from her cyber boyfriends. And now we finally concluded why she refused to have a room mate despite the fact that all the other rooms here are already full. She's too selfish staying comfortably alone in her room while all of us are sardine-like.

A little part of me says that she deserves to be treated that way. It was her bad karma after fooling other people and claiming to be not married to her boyfriends. An immoral act, an infidelity. She's not nice to all the girls here. I can't believe that there exist an attitude as bad as hers. Yet it is still disappointing that she got easily taken advantage or harassed in this hi-tech generation. Somebody could just grab your picture out of the blue, do some simple editing and viola, a pornographic material of you as the victim. It is not fair and it is violating our human rights. Now it makes me think,shall I erase all my pictures in friendster and facebook?

She's only one out of thousand other victims out there. I wonder how can this harassment be stopped? Though I hate her, I still wanted that account to be deleted  because it is very offending. Hence I  reported it and I hope that friendster will do something regarding that matter. 

;;